Marlo Mortel nagtatrabaho kahit mamamatay na ang ina

By Jun Nardo December 06,2018
share this

Marlo Mortel nagtatrabaho kahit mamamatay na ang ina

By Jun Nardo December 06,2018
share this


DUMATING kay Marlo Mortel ang pelikulang “One Great Love” nu’ng panahong nakikipaglaban sa sakit na cancer ang kanyang yumaong ina.

Sa isang shooting ng movie sa Tagaytay, hindi niya alam ang gagawin kung tutuloy ba siya sa location o magbabantay sa mga huling sandali ng ina.

“Eh, kasi nag-commit ako, kaya kahit ganoon na ang kundisyon ng mama ko, dumiretso pa rin ako sa shooting. First time sa set, iyak ako nang iyak!

“Hindi ako emosyonal na tao pero hindi ko talaga mapigilan. Dying na siya talaga that time. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang I wanna die na rin that time.

“Pero kailangan kong ituloy ang work. Professionalism of course para sa movie na ‘to,” pag-alala ni Marlo sa experience habang ginagawa ang official entry ng Regal Entertainment sa MMFF 2018 na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, JC de Vera at Kim Chiu mula sa direksyon ni Eric Quizon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending