Mommy Min handa na sakaling ikasal na sina Kathryn at Daniel

By Ervin Santiago December 06,2018
share this

Mommy Min handa na sakaling ikasal na sina Kathryn at Daniel

By Ervin Santiago December 06,2018
share this

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

INAMIN ni Kathryn Bernardo na hindi naman siya perpektong anak. May pagkakataon din na hindi sila nagkakaintindihan ng kanyang nanay na si Min Bernardo.

Aniya, sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, may mga araw din na nagiging sakit siya ng ulo ni Mommy Min, “Hindi naman din ako pefect na anak, and madalas ako din ‘yung sakit sa ulo ni Mama. Kasi sobrang tutok si Mama sa akin and siyempre mayroon kaming mga hindi pinagkakasunduan minsan, ayaw niya na magkamali ka.”

Hirit pa niya, “Sinasabi ko kay Mama, okay lang matuto from mistakes. So sometimes, mayroon diyan na mga pag-aaway, sometimes mayroon akong mga nagri-reason out ako. Grabe ‘yung stress niya.”

Feeling naman ni Kathryn, ready na si Mommy Min sakaling magdesisyon na siyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya, “Ayaw din niya na late akong magpakasal, open siya. Hindi siya ‘yung parang, ‘hindi ka pwedeng magpakasal.’

“Si Mama kasi sabi niya at 25, 26 okay go na kung gusto mo, kasi gusto din ni Mama na ma-enjoy ko. Kasi si Mama maaga ring nagkaanak, parang 19 or 20 my ate was born na, so parang gusto niya ma-experience ko na ‘yung nagagawa mo lahat kasi you’re not too old to do that. Si Mama, cool ‘yan,” ani Kathryn.

Nang matanong kung ano ang reaksyon niya sa mga bashers na nagsasabing “pabebe” siya at sobrang arte, ito ang hugot ni Kathryn, “Noon affected (ako), ngayon hindi na masyado. Lahat tayo may kaartehan. Oo maarte ako minsan at wala naman masama, basta nasa lugar of course. Alam ko na kikay ako. Please alam ko hindi ako pabebe, ha.”

Totoo ba na nagparetoke siya ng ilong at lumaklak ng gluta, “Hindi po talaga, tigilan na yan please.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending