Kim: Sana mahanap ko rin ang one great love ko…

By Reggee Bonoan December 06,2018
share this

Kim: Sana mahanap ko rin ang one great love ko…

By Reggee Bonoan December 06,2018
share this

INAMIN ni Kim Chiu na gusto niyang sumubok ng ibang role kaya tinanggap niya ang karakter bilang si Zyra Paez sa pelikulang “One Great Love”, ang official entry ng Regal Films sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Dito sa “One Great Love” ay tumodo na si Kim sa mga kissing scene with matching bathtub scene pa kasama si JC de Vera na talagang ikinagulat ng mga nakapanood sa trailer.

Sa Tagaytay City kinunan ang mga bathtub scene ni Kim, isa kay Dennis Trillo at dalawa kay JC, bukod pa ‘yan sa tatlong love scenes.

Sa yate kinunan ni direk Eric Quizon ang mga miinit na eksena ni Kim sa movie. Kuwento ni direk Eric, “Hindi naman kami lumampas sa limitations dahil hindi naman ako gumagawa ng R-rated movies. Tama lang ang timpla love scene and Kim is a real trouper. Game siyang gawin, but after the shoot, maririnig mong nagsi-shake siya.”

“Lumabas ako sa comfort zone ko rito. This time, iba talaga, out of the box. Parang five steps higher ang ginawa ko dahil gusto kong makita ng tao kung ano pa ang kaya ko.

“Sobrang happy din ako na tinanggap nina Direk Eric ang suggestions ko, first time nangyari ‘yun. Pwede pala akong pakinggan, kaya excited ako sa outcome ng movie na ito,” kuwento ni Kim.

At dahil “One Great Love” ang titulo ng pelikula ay tinanong si Kim kung naranasan na niya ito.

“Siguro na-experience ko na, pero bumitaw din ako dahil may sina-sight na siyang iba at kung ganu’n na ang mangyayari, bumitaw ka na, huwag ka nang mag-stay,” katwiran ng aktres.

Mahirap daw kapag one-sided lang ang love kailangan kapag nagmahal ay may balik din ito.

Sabi ni Kim, “Sana balang araw, mahanap ko rin ang one great love ko.” So, hindi pa siya sigurado kung ang boyfriend niyang si Xian Lim na ang OGL niya.

Pero kaagad namang nilinaw ng aktres na ang tinutukoy niyang one great love ay ang magkaroon ng sariling pamilya dahil nu’ng binanggit ni JC na natagpuan na ng aktor ang kanyang OGL at meron na ring anak (sa non-showbiz GF) ay saka nasambit ni Kim na “sana mahanap ko rin.”

Mapapanood na ang “One Great Love” sa Dec. 25 bilang bahagi ng MMFF 2018. Kasama rin sa cast sina Miles Ocampo, Nina Dolino at Mario Mortel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending