Maymay napasigaw, nasuntok si Edward dahil kay Dingdong

By Ervin Santiago December 05,2018
share this

Maymay napasigaw, nasuntok si Edward dahil kay Dingdong

By Ervin Santiago December 05,2018
share this

NAGPAKA-fan girl at na-starstruck si PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata nang makita at makilala si Dingdong Dantes sa shooting ng Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Star Cinema na “Fantastica”.

Kuwento ni Maymay sa grand mediacon ng “Fantastica” ni Vice Ganda, talaga raw napatili ang dalaga nang makita up close and personal si Dong, at nasuntok pa nga ang ka-loveteam na si Edward Barber sa sobrang kilig.

Nang dumating daw siya sa location ay hindi pa niya alam na naroon ang Kapuso Primetime King. “Magha-hi ako sa kanila (production staff), tapos, nakatalikod pala roon si Sir Dingdong, sabi ko, ha! Nagulat ako, tapos ‘yun po, nagpa-picture na ako sa kanya kasi ang bait niya,” nahihiyang kuwento ni Maymay.

Aniya, napapanood lang daw kasi niya dati sa TV ang aktor noong nasa Cagayan de Oro pa siya at ni sa panaginip ay hindi niya inaasahan na makikita niya sa personal at makakatrabaho pa si Dingdong.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sina Maymay at Edward na may entry sila this Christmas season sa MMFF 2018. Super thankful sila kay Vice at sa Star Cinema dahil isinali sila sa “Fantastica”.

Napakarami nilang natutunan mula kay Vice at sa iba pa nilang kasamang senior stars sa pelikula. Una na raw dito ang pagiging professional sa trabaho at pakikisama sa mga katrabaho.

“Payo niya sa amin, huwag magpapaapekto sa mga basher. Pabayaan lang daw ‘yung mga nagsasabi ng negative, wag na lang silang pansinin. Kasi parang hindi naman sila yung bumubuyay sa amin, ganu’n, hindi naman sila ‘yung nagpapakain sa amin. Basta focus lang kami sa trabaho at sa mga sumusuporta sa amin,” chika ni Maymay.

Sey naman ni Edward, naa-appreciate niya ang mga advice sa kanila ni Vice at ng iba pang senior stars sa kanila ni Maymay, “He also told us na, we need to look or know kung ano yung purpose namin dito (showbiz industry).”

Showing na ang “Fantastica” sa Dec. 25 sa direksyon ni Barry Gonzales. Kasama rin dito sina Richard Gutierrez, Jaclyn Jose, Chokoleit, Juliana Segovia, Donny Pangilinan, Kisses Delavin, Ronnie Alonte, Loisa Andalio at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending