Kilalang singer-actress nagtatago sa mga inaanak kapag Pasko

By Cristy Fermin December 05,2018
share this

Kilalang singer-actress nagtatago sa mga inaanak kapag Pasko

By Cristy Fermin December 05,2018
share this


PASKO na naman, o kaytulin ng araw. Parang kailan lang ay sinasalubong pa natin ang taong 2018, nagpapaputok tayo, pero heto at Pasko na naman!

Tuloly ay nagbalik-alaala ang magkakaumpukan tungkol sa isang singer-actress na nang magsabog ang langit ng kakuringan ay nagtanggal ng bubong ng kanilang bahay kaya nakasambot siya nang sobra-sobra pa sa kailangan.

“Naku, Christmas na naman! Saan naman kaya magbabakasyon ngayon si ____ (pangalan ng pamosong singer-actress)? Nakakaawa naman ang mga inaanak niya, ninang lang siya sa pangalan, pero never pa nilang natitikman ang kahit anong pag-alala ng ninang nila.

“Marami siyang inaanak, mga anak ng sikat na personalities pa nga ang inanak niya sa binyag at kumpil, pero ang nakakaloka, pagkatapos ng okasyon, waley na!

“Hindi na sila nagkikita ng mga inaanak niya dahil literal siyang nagtatago. Mismo! Umaalis siya ng bansa, iniiwasan niyang mag-aginaldo sa mga inaanak niya, ‘yun lang ‘yun!” tawa nang tawang kuwento ng chikadora naming impormante.

Naging bata, lumaki na, nag-aral at may trabaho na ngayon ang anak ng isang kilalang female personality, pero hanggang ngayon ay hindi pa pala nito nakikita uli ang kanyang ninang.

Patuloy ng aming source, “Hindi pa talaga! Nagtatanong nga ang anak ng sikat na aktres kung nasaan ang ninang niya para makapagmano at makapag-kiss naman siya.

“May nakahanda pa ngang regalo ang anak ng female personality para sa ninang niya, tutal naman, e, kumikita na siya, pero kapag tinatawagan nila si ninang, walang sagot!

“Tine-text ng mommy niya ang ninang niya, pero wala ring reply! Siguro nga, e, iniisip niya na baka namamasko ang inaanak niya, kaya ganu’n siya!

“Nakakaloka talaga ang lukresyang ‘yun, mag-aanak-anak siya sa binyag, pero hindi niya naman pinaninindigan ang pagiging ninang niya! Kapag nagkukuwentuhan nga ang mga kumare niya, e, hagalpakan sila nang hagalpakan, kasi nga, ni hindi man lang nakita ng mga anak nila si kumare mula nu’ng binyagan!

“Bigla na lang siyang nagpa-pop-out kapag malapit na ang Pasko, nagwawala-walaan siya, makaiwas lang sa mga inaanak niya! Pop-out siya palagi, samantalang ano ba namang kahit laruan, e, regaluhan niya naman ang mga inaanak niya!” pagtatapos na humahalakhak naming source,

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino siya, alam na this!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending