Mag-asawa patay matapos pagsasaksakin ng mga kapitbahay sa Cebu | Bandera

Mag-asawa patay matapos pagsasaksakin ng mga kapitbahay sa Cebu

|December 04,2018
facebook
share this

Mag-asawa patay matapos pagsasaksakin ng mga kapitbahay sa Cebu

- December 04, 2018 - 01:38 PM

PATAY ang mag-asawa mula Barangay Langkas, Dalaguete, Cebu matapos silang pagsasaksakin ng dalawang kapitbahay noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina  Servando Ramos, 57, at Ana Maria Grace Ramos, 47. 

Nasa ligtas namang kondisyon ang kanilang 12-anyos na anak na babae, na nasugatan din sa pag-atake.

Sinabi ni PO2 Brycel Ricaborda, ng Dalaguete Police Station, na naglunsad na sila ng manhunt sa mga suspek na sina Antonio Jabagat at pamangkin na si Alejandro Jabagat.

Base sa pahayag ng kanilang anak na babae, kumatok ang dalawa nilang kapitbahay ganap na alas-8 ng gabi noong Lunes. 

Pinapasok sina Jabagat. Makalipas ang ilang sandali, narinig ng bata ang sigaw ng nanay, nang makita niyang sugatan na si Servando. 

Idinagdag ni Ricaborda na pinagsaksak din si Maria Grace ng dalawang salarin at sinugod ang bata sa kanyang silid.

Sinaksak si Servando sa leeg at agad na nasawi, samantalang sa sikmura naman tinamaan si Maria Grace, na agad ding namatay.

Nasaksak naman ang kanilang anak sa leeg.

Sinabi ni Ricaborda na pagnanakaw ang tinitingnang anggulo dahil nawawala ang sling bag ni Servando na may lamang P80,000 at iba pang mahahalagang gamit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending