Du30: Walang pardon sa 3 pulis na sangkot sa Kian delos Santos slay
SINABI ni Pangulong Duterte na wala siyang balak bigyan ng pardon ang tatlong pulis na naunang napatunayang guilty sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos noong Agosto, 2017.
“Of course not. Maybe one million years from now,” sabi ni Duterte.Nauna nang hinatulan ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 125 sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz ng 20 taon hanggang 40 taon pagkakakulong kaugnay ng pagpatay kay delos Santos.
“Ang sinabi ko I will defend to death my soldier and my policemen if they commit some acts, which (may be considered) criminal but done in the performance of their duties,” sabi ni Duterte.
Nauna nang tiniyak ni Duterte na hindi niya papayagang makulong ang mga pulis at sundalo na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin kaugnay ng gera kontra droga.
“Hindi ko iiwanan ‘yan kasi kung hindi papatayin ako ng sundalo ko pati pulis, kasi ako ang nag-utos sa kanila ng ganun pero for you to murder, hindi kasali ‘yan,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.