Jameson Blake umaming hindi na virgin, 'nakatikim' sa edad na 15 | Bandera

Jameson Blake umaming hindi na virgin, ‘nakatikim’ sa edad na 15

Reggee Bonoan |December 02,2018
facebook
share this

Jameson Blake umaming hindi na virgin, ‘nakatikim’ sa edad na 15

Reggee Bonoan - December 02, 2018 - 12:20 AM


SA ginanap na story conference ng “Project G” ng Cineko Productions, sinabi ni Direk Dondon Santos na isang kakaibang coming of age ng isang barkada ang tema ng kanilang pelikula.

Para raw itong pinagsama-samang “Bagets” (1984) ni Aga Muhlach, “Pare Ko” (1994) ni Jao Mapa at “Trip” (2001) ni Marvin Agustin.

“It’s a barkada movie na maraming bucket list ang mga karakter, roadtrip, sex, inuman,” saad ni direk Dondon.

Ayon pa sa direktor, gagawin nilang mas mukhang bata pa ang members ng cast sa pangunguna nina Khalil Ramos, Nick Parker, Paolo Angeles, Mark Oblea at Jameson, Blake, dapat daw magmukha silang virgin pa.

Kaya naman ang tanong kay Jameson ay ilang taon siyang na-devirginize, “Serious?” nagulat nitong sagot. “I think 15 or 16?” nakangiting sagot ng binata. Dagdag pa niya, “High school pa ako no’n, sa girlfriend ko.”

Inamin din ni Jameson na ang type niyang makarelasyon ay mas may edad sa kanya, “I like mature women, pero hindi naman masyadong (matanda), like a year older lang.”

Dalawang taon nang single si Jameson dahil, “Wala, e, kasi naiba na ang focus ko like sa trabaho at saka paiba-iba ang loveteam ko, so, I don’t think it’s healthy for my relationship din kasi magseselos lang or hindi ako makapag-focus.”

Walang niligawan na taga-showbiz ang binata, “Choosy kasi ako, when I like a girl kasi hindi naman ako straightforward na parang I want to give my time to get to know her, parang ganu’n, I think the long process kung seryoso (ako), It never came my way na artista. But I have a lot of friends naman.”

Natanong din siya kung may nag-offer na ng indecent proposal sa kanya, “Wala naman so far. Maybe I’ve seen some messages like sa IG (Instagram) saying like dinner pero hindi ko nirereplayan,” sagot ng aktor.

High school lang ang tinapos ni Jameson dahil sumali na agad siya sa PBB 737 at paglabas naman niya ng Bahay ni Kuya ay maraming oportunidad na nagbukas sa kanya sa showbiz.

Mayaman na ba siya dahil kaliwa’t kanan ang proyekto niya? “Hindi pa, still getting there palang.

Investment, well ‘yung car ko, hindi pa bayad, investment din ‘yung schooling ng sister ko kasi breadwinner din ako sa family, I’m supporting my siblings. ‘Yung bahay soon for my mom,” kuwento ng binata.

Sa edad niyang 21 ay imposible talaga na wala siyang girlfriend bilang inspirasyon, pero sabi nga niya, “It’s not my priority, masaya na ako with my family and friends.”

Samantala, base sa umeereng kuwento ngayon ng seryeng Ngayon At Kailanman ay pursigido na ang panliligaw ng karakter niya kay Julia Barretto kahit alam naman niyang gusto rin g kapatid niyang si Joshua Garcia ang dalaga.

Posible ba itong mangyari sa tunay na buhay, yung ligawan niya si Julia kung wala si Joshua sa buhay ng dalaga? “Sa teleserye lang po, sa Ngayon At Kailanman. No po, friends lang,” napangiting sabi ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, magsisimula nang mag-shooting ang “Project G” ngayong Disyembre at inaayos lang ang sehedules ng bawa’t member ng cast dahil halos lahat sila ay may mga giangawang pelikula at serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending