I-text kay Madam Sophia (July 10, 2013)
Mula kay Florella ng Davao City. Paano po ba magpahula sa inyo Madam at magkano ang bayad?
Tugon ni Madam Sophia: Wala pong bayad ang pagpa-pahula. Ang kailangan lang po ay kumpletong birthday kapag nag-send na kayo ng inyong mga katanungan.
Maraming salamat po!
>>>
Mula kay Gina Luzong ng Angeles City. December 1, 1986 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa susunod na taon, magkaka-boyfriend ka na hatid ng isang lalaking medyo matigas o kaya’y kulot ang buhok.
>>>
Mula kay Gelly ng Bislig City. December 1, 1968 ang birthday ko at August 25, 1969 naman ang mister ko. Kailan kaya kami magkakaroon ng sariling lupa at bahay?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday ninyo, para magkaroon kayo ng sariling lupa at bahay at para yumaman na din, magnegosyo kayo ng mga bagay na may kaugnayan sa butil o kahit na anong negosyo na maisip nyo, dahil ang nasabing mga birth dates bukod sa compatible ay yumayaman sa pagnenegosyo.
Simulan na ang negosyo sa taon ito upang pagkalipas ng mga limang taon hindi lang kayo magkakaroon ng lupa at bahay, bagkus mayamang-mayaman na kayo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.