Ateneo Blue Eagles nadagit ang 1-0 lead sa UAAP Finals

By Melvin Sarangay December 01,2018
share this

Ateneo Blue Eagles nadagit ang 1-0 lead sa UAAP Finals

By Melvin Sarangay December 01,2018
share this

 

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
3:30 p.m. Ateneo vs UP
(Game 2, Finals)

IPINAMALAS ng defending champion Ateneo Blue Eagles ang husay nito pagdating sa championship round matapos payukuin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 88-79, Game 1 ng UAAP Season 81 men’s basketball Finals Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Bunga ng panalo nangailangan na lamang ang Blue Eagles ng isang panalo para madagit ang ikalawang sunod na titulo at kabuuang ika-10 korona sa liga.

Nanguna para sa Ateneo si Matt Nieto na kumamada ng career-high 27 puntos.

Muntikan naman magtala si Thirdy Ravena ng triple-double sa ginawang 21 puntos, 10 rebound at siyam na assist na sinamahan niya ng tig-dalawang steal at blocked shot para sa Blue Eagles.

Kumana si Jun Manzo ng 19 puntos para pamunuan ang Fighting Maroons, na naglaro sa kanilang unang finals game magmula noong 1986.

Tatangkain ng Ateneo na magtala ng Finals sweep sa Game 2 na gaganapin ngayong darating na Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending