Nanay ni Vice aprub kay Abueva, nag-bonding sa Bora
KITANG-KITA ang happiness ni Vice Ganda sa mga pictures nila ng PBA cager na si Calvin Abueva habang nagliliwaliw sa Boracay. Open na open na talaga ang tunay nilang relasyon.
Bukod kay Calvin, kasama rin ni Vice sa Boracay ang kanyang Nanay Rosario. Kaya ganu’n na lang siguro ang saya ni Vice sa pagbabakasyon sa Bora dahil kapiling niya ang dalawang espesyal na tao sa buhay niya ngayon.
Bago pumunta sa Boracay si Vice ay nagsabi na siya sa isang episode ng Showtime na a-absent muna siya dahil may pupuntahan sila ng kanyang ina. Nagbiro pa siya na gusto raw kasing manood ng Eat Bulaga ang ina sa Broadway. Kaya ‘wag na raw magulat ang madlang pipol kapag nakita siya sa Eat Bulaga. Of course, joke lang ‘yun ni Vice.
Pagbalik ni Vice sa Showtime nu’ng Lunes, sinabi niyang ipinatawag siya ng management para mag-explain sa pag-absent niya sa show.
Base sa mga pictures nila sa Boracay, mukhang aprub naman si Nanay Rosario kay Calvin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.