JM ipinagdasal ang mga bastos na bashers, dedma na kay Barbie
HINALUNGKAT ng ilang netizens (kabilang na sina @karen.toledo.73997 at @paseo.de.blas) ang nakaraan ni JM de Guzman nang mag-post ang aktor ng video habang kinakanta ang “All Of Me” bilang tugon sa request ni direk Dondon Santos.
Pero sa halip na buweltahan ang netizens, praying emoticons ang isinagot sa kanila ng aktor.
Sabit si Barbie Imperial sa mga hinaing ng netizens kay JM. May mga nam-bash sa aktor at inakusahang manloloko raw. Nadamay pa nga sa issue ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na nagtambal sa pelikulang “Kung Paano Siya Nawala”.
Nag-post na ng mahabang mensahe sa social media si JM tungkol sa diumano’y pag-aaway nila ni Barbie, si Rhian ang sinisisi ng mga fans kung bakit daw may issue ngayon ang rumored couple.
Ipinagdiinan na ni JM na magkaibigan lang sila ni Rhian at wala raw siyang niloloko. Humingi pa ng paumanhin ang binata kay Rhian dahil sa masasakit na salitang ibinabato sa aktres ng mga bashers.
Hindi na rin nagsalita si JM tungkol sa kanila ni Barbie matapos siyang mag-tweet tungkol sa dalaga at sa isang dating male PBB housemate.
Dinepensahan naman si JM ng kanyang mga supporters at pinayuhang huwag na lang patulan ang kanyang mga haters sa social media. Ipagpatuloy na lang daw niya ang paggawa ng mga makabuluhang teleserye at pelikula para sa mas lalo pang ikakaganda ng kanyang career.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.