Enrique hindi ‘pumasa’ sa UP; Liza nag-disguise pero buking pa rin
SA report ng “Chismax” partner kong si Gretchen Fullido sa aming DZMM show last Sunday, nag-enjoy nga si Liza Soberano sa “immersion” na ginawa nito sa UP Diliman recently.
Bahagi ito ng ginagawa nilang pelikula ni Enrique Gil, na mas mauuna pang ipalabas kesa sa “Darna.”
Nu’ng makahuntahan namin si kaibigang Ogie Diaz, sinabi nitong pang-Valentine offering ito ng Star Cinema at first time maididirek ni mega director Cathy Garcia Molina ang LizQuen.
Going back to the said immersion, naibahagi ng aking partner na kinailangang mag-disguise si Liza while in UP, pero eventually ay pinagkaguluhan din nang may makakilala sa kanya.
Isang art student ang gagampanan ni Liza sa movie habang si Enrique ay sa ibang school papasok. Kung paano silang pagtatagpuin ng tadhana para sa isa na namang kakaibang love story, iyan ang ating aabangan.
But how true ang tsikang kaya umano hindi pinayagan si Enrique na sa UP mag-immerse ay dahil sa sobrang burgis aura and look nito? Short of saying na hindi daw bagay na matawag na UP student ang guwapong anak-anakan namin. Ha-hahaha! May ganu’n talaga?
q q q
Ay padami na nga nang padami ang mga showbiz personalities na dikit nang dikit ngayon sa isang yayamanin at maimpluwensyang political-wannabe?
Bukod kasi sa future power na posible nilang makamit, inaasahan ng mga personalidad na ito ang mabahaginan ng “yaman” ni political wannabe. Ang ilan sa mga ito ay halos bayaran na ang mga production shows sa TV para lang mai-guest sila o mabigyan ng exposure kahit na nga walang speaking lines.
Meron namang nagbuo ng sport tournaments na iikot sa bansa kahit kay lalaki ng mga tiyan at hindi naman makatakbo nang maayos.
“Anything for power and influence. Gagawin nila lahat,” sey ng nakausap namin. Ang mga naturang personalities daw ay madalas na bida o kontrabida noon sa mga action movies o TV shows, at mga barakong kahit hindi naman talaga kumakanta ay feeling mga singer. Ganu’n nga!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.