TULOY na ba ang paglipat sa ibang studio ng Eat Bulaga? Ito ang tanong ng mga loyal Dabarkads matapos ipalabas ang isang short video kung saan makikita ang ilang eksena na nagpapahiwatig ng paglipat-bahay ng Kapuso noontime show.
Isang tila pahayagan ang ipinakita sa video na may headline na “4 NA DEKADA NG SAYA.” Maririnig din na sinabi ng isang bata sa video ang mga katagang, “Tara, doon tayo. Masaya doon,” na sinundan ng pagpapalipad ng eroplanong papel hanggang sa ipakita ang sign na, “LIPAT-BAHAY.”
Kung matatandaan, mismong ang big boss ng TAPE Inc. at APT Entertainment na si Tony Tuviera ang nagsabi na may plano na talagang lumipat ng studio ang Eat Bulaga at tatawagin itong APT Studios.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.