GUMAGANAP bilang isang maginoo sa panahon ng mga Kastila si Marlo Mortel sa romantic fiction book na “I Love You Since 1892,” na isinulat ni Binibining Mia sa ilalim ng ABS-CBN Publishing.
Umiikot ang istorya ng libro kay Carmela, isang dalaga mula sa ika-21 siglo na magigising sa ika-19 na siglo bilang si Carmelita Montecarlos, at sa kanyang pakikipag-sapalaran kasama ang mabait at maginoong si Juanito Alfonso (Marlo).
Ang tagumpay ng “I Love You Since 1892” ay nagbunga ngayon sa ikalawang libro nito, “Ang Pag-aaklas” Ikalawang Bahagi, na magpapatuloy sa mga pangyayari kanina Carmela at Juanito. Mananaig kaya ang pag-ibig sa pagitan ng dalawa sa kabila ng takot na kinakaharap?
Maglakbay sa lumang panahon at damhin ang pag-ibig kasama si Marlo Mortel sa “I Love You Since 1892: Ang Pag-aaklas” Ikalawang Bahagi mula kay Binibining Mia na mabibili sa National Book Store outlets nationwide.
q q q
Nagwagi ang ABS-CBN sa ika-40 na Catholic Mass Media Awards (CMMA) matapos umani ng mga tropeo ang mga programa, pelikula, at musika nito.
Kinilala bilang Best Drama Series ang top-rating drama series na The Good Son na pinuri noon sa pagtalakay nito sa mental illness at iba pang problema sa pamilya. Panalo rin ang “Seven Sundays” ng Star Cinema bilang Best Film sa pagpapakita nito ng pagpapatawad at pagtutulungan sa isang pamilya. Ang Mission Possible naman ni Julius Babao ang pinarangalan na Best Public Service Program.
Nag-tie naman ang ASAP at I Can See Your Voice bilang Best Entertainment Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.