Karla hiwalay na sa BF after 7 years: Ayoko nang hanapin ang lovelife | Bandera

Karla hiwalay na sa BF after 7 years: Ayoko nang hanapin ang lovelife

Dominic Rea - November 25, 2018 - 08:18 PM

SA birthday episode ng morning show na Magandang Buhay for Queen Mother Karla Estrada ay nabuking na ng buong mundo na si Sam Milby pala ang tunay niyang showbiz crush.

Isang video birthday greeting mula kay Sam ang ipinalabas sa programa kaya naman kitang-kita ang pagkakilig ni Karla dahil hindi niya inaasahan ang pagbati ng Kapamilya hunk.

“Okey na sana eh! Pero nu’ng in-Ate niya ako, biglang gumuho ang mundo ko eh! ” pabirong bulalas ng isa sa mga host ng Magandang Buhay.

“Wala namang masama sa crush no! Ha-hahahahaha!” ang natatawang pahayag pa ni Momshie Karls.

Pati ang co-hosts ni Karla sa MB na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ay kinilig din sa nakita nilang reaksyon sa nanay ni Daniel Padilla.

Sa kanyang birthday episode ay wala ring kiyemeng inamin ni Karla na wala na sila ng boyfriend niya of seven years. Karla said, this time ay hindi na siya ang maghahanap ng pag-ibig at hahayaan niya na lang daw na ang panahon ang magbigay nito sa kanya.

“In God’s perfect time na lang! Sa ngayon, okey na ako. Ayoko nang hanapin although yan ang laging sinasabi ng friends ko, na dapat ganito at ganoon. Pero saka na. Darating yun sa tamang panahon,” ang sabi sa amin ni Karla.
“Kung magkaroon man ako, yung mahal ko at mahal niya ako at mamahalin niya ang mga anak ko at buong pamilya ko,” dagdag pa ni Karla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending