Regine napaiyak sa concert, binigyan ni Sharon ng super mahal na singsing | Bandera

Regine napaiyak sa concert, binigyan ni Sharon ng super mahal na singsing

Reggee Bonoan - November 26, 2018 - 12:35 AM


USAPING Sharon Cuneta pa rin, na-shock at naiyak si Regine Velasquez-Alcasid nang bigyan siya ng bulaklaking singsing na napakalaki at punumpuno ng diamonds. “Kailangan sa dalawang daliri mo ito isuot,” say ng Megastar sa Songbird.

Sa nakaraang “Regine At The Movies” concert nitong Sabado sa New Frontier Theater ay si Sharon ang special guest at aminado ang Songbird na sobra ang kaligayahan niya dahil sa unang pagkakataon ay nagkasama sila ng kanyang idolo sa concert.

Habang nagkukuwento si Regine ay talagang napaiyak siya kaya naman sa tuwa rin ni Mega ay binigyan niya ito ng singsing na Flower Cocktail Diamond Ring na personal pang i-pinagawa ni Sharon sa kanyang alaherang si Connie Dizon na katas ng kinita niya sa showbiz sa loob ng 40 years.

Kaya bago niya ito bitawan ay talagang panay ang halik niya sa singsing at nag-dialogue ng, “I’ll miss you,” kaya tawanan ang audience.

Tinnong din ni Mega kay Regine kung ano naman ang ibibigay nito sa kanya at nakita nga ang suot din nitong diamond ring na medyo maliit kumpara sa ibinigay niya. Isinuot ito ni Sharon pero hirit ni Songbird, “Hiniram ko lang ‘yan!” Kaya halakhakan uli ang lahat.

Nakakaaliw ang palitan ng punchlines nina Sharon at Regine kaya naisip namin bakit hindi sila pagsamahin sa isang pelikula dahil siguradong papatok ito sa ta-kilya.

Anyway, pinalakpakan ng audience ang duet ng Megastar at ng Songbird (Bituing Walang Ningning at Pangarap Na Bituin) at bago umalis ng entablado si Sharon ay binanggit nitong abangan sila ni Regine sa 2019 dahil may mga projects silang pagsasamahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending