Welcome To Waikiki season 2 hinahanda na, pero may nagpoprotesta
USAP-USAPAN na ang nakatakdang pagbabalik ng hit-comedy series na Welcome To Waikiki with its new season sa unang quarter ng 2019.
Una itong nagpatawa noong Feb. 5, 2018 na tumagal ng tatlong buwan after ma-extend from 16 to 20 episodes due to popularity at nagtapos noong April 17.
Umikot ang kwento ng unang season sa guest house na Waikiki na pinapatakbo ng tatlong binata; isang gustong mag-artista, isang gustong maging director, at isang gustong ma-ging scriptwriter as profession.
Hati naman ang opinyon ng mga netizens dahil sa mga bagong bibida sa season 2. Ang unang apat na napipisil para bumida sa Waikiki season 2 ay sina Lee Yi Kung, Sohee (ex-member ng Wonder Girls), Shin Hyun Soo, at Kim Sun Ho.
Although part ng original cast si Lee Yi Kung, na gumanap as Lee Joon Ki, maraming netizens ang nagsasabing mas gusto nila ang original cast na nagpatawa sa kanila sa unang season. Mapapanood ang Welcome To Waikiki 2 sa JTBC .– Janvin Brua
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.