Kris kinasuhan ng cyber libel ang abogadong kapatid ng dating business partner | Bandera

Kris kinasuhan ng cyber libel ang abogadong kapatid ng dating business partner

Ervin Santiago - November 22, 2018 - 07:08 PM

NINE counts of cyberlibel ang isinampa ni Kris Aquino laban sa abogadong si Jesus Falcis, ang kapatid ng dati niyang business partner na si Nicko Falcis na idinemanda naman niya ng qualified theft.

Ito’y dahil sa mga malilisyosong post ni Falcis sa kanyang Instagram at Twitter accounts laban kay Kris na may koneksyon nga sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang kapatid.

Sa formal complaint na isinampa ng Social Media Queen sa Department of Justice kanina, inireklamo nito ang abogado at sinabing “offensive” at “humiliating” ang mga ipinost nito sa social media patungkol sa kanya.

“While I am a well-known celebrity, respondent does not have the unbridled license to malign my honor and dignity by indiscriminately posting malicious statements against me,” ani Kris. Nine counts of cyberlibel ang isinampa niya dahil sa siyam na social media post ni Falcis laban sa kanya simula noong Nov. 14.

Sa mga nasabing post, tinawag niya ang mommy nina Joshua at Bimby ng “liar,” “spoiled oligarch brat,” “sinungaling,” “pa victim” and “someone who always longs for a man’s attention.”

Hindi rin daw pinatawad ng abogado ang pagkakaroon ni Kris ng “urticaria-prone skin,” na resulta ng kanyang medical condition na may kinalaman sa kanyang allergies. Sa isa pa niyang post, idinamay din niya ang mga yumaong magulang ni Kris.

Sabi pa ni Kris hindi pwedeng gamitin ni Falcis ang “freedom of speech and the press” bilang defense, “If the utterances are false, malicious or irrelevant to matters of public interest involving public figures, the same may give rise to criminal and civil liability.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending