Dagdag bonus ‘joke-no”, 2011 pa ibinibigay pero walang pondo sa 2018 budget
ISA umanong “Joke-no” ang anunsyo ni Budget Sec. Benjamin Diokno na mayroong bagong bonus na matatanggap ang mga kawani ng gobyerno sa susunod na buwan.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers hindi totoo na bago ang Collective Negotiation Agreement Incentive na inanunsyo ni Diokno dahil noon pang 2011 ito ibinibigay sa mga taga-gobyerno.
“In a bid to deodorize the Duterte regime that is heavily criticized for the unabated price increases, Sec. Diokno is playing a cruel joke among government workers,” ani Joselyn Martinez, chairperson ng ACT.
Ang CAN ay incentive na umaabot sa P25,000 depende sa performance ng isang empleyado.
Ipinaalala rin ng ACT na tinanggal ng Duterte administration ang CAN sa ilalim ng 2018 at maaari lamang itong ibigay ng gobyerno kung magkakaroon ng savings mula sa Maintenance and Other Operating Expenses.
Dagdag pa ni Martinez 60 porsyento ng empleyado ng gobyerno ay nasa Department of Education pero ang MOOE nito ay 4.6 porsyento lamang ng kabuuang MOOE ng buong gobyerno.
“That hardly covers the basic operating expenses of over 44,000 schools! What savings is Mr. Joke-no talking about?” ani Martinez.
Noong 2017 ang CAN incentive umano ng mga guro sa National Capital Region ay P126 lamang bawat guro.
“Empty pronouncements such us this will not cover up the economic mess the Duterte Administration has put us in and made us suffer. The only real way to ease the people’s unrest is to heed our demands: Sahod, itaas! Presyo, ibaba!” dagdag pa ni Martinez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.