Panibagong bagyo nagbabanta | Bandera

Panibagong bagyo nagbabanta

Leifbilly Begas - November 21, 2018 - 02:19 PM

BUKOD sa bagyong Samuel, isa pang  bagyo ang nagbabanta na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas-2 ng umaga nang mag-landfall ang bagyong Samuel sa Borongan, Eastern Samar.

Sa Biyernes inaasahang lalabas ang bagyong Samuel na bahagyang humina matapos na mag-landfall.

Ang hangin nito ay umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.

Ngayong buwan ay hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa PAR, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ngayong araw, isang bagyo naman ang namataan sa Pacific Ocean at tinatahak nito ang direksyon papuntang Mindanao. May international name itong Man-Yi.

Kahapon ng umaga ito ay nasa layong 2,950 kilometro sa silangan ng Mindanao. Ang bilis ng hangin nito ay umaabot sa 70 kilometro bawat oras at pagbugsong 90 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending