Kris kinampihan ng madlang pipol, kapatid ng kinasuhang ex-business partner ‘sunog’
MAY pasaring na naman si Atty. Jesus Falcis laban kay Kris Aquino.
On his Instagram account, pinatutsadahan ni Atty. Falcis ang Queen of Talk.
“Missing my brother so much on my birthday salubong. Thank God we have the internet and modern technology to bridge the gap.
“Kahit napilitan sya mag abroad dahil sa pagbabanta ni Ms. Aquino, at least nakasama ko pa din sya at nakapag birthday celebration kami ng live.
“Ms. Aquino, you stole my brother! All because of your vindictiveness against him for leaving you.
“Sa totoo lang, naaawa ako sayo. You grew up without a father figure and forced into the limelight. Kaya ayan, gusto mo lagi may lalaki sa buhay mo, center of attention ka, at hindi mo kayang iniiwan ka. Tapos lagi mo po ginagawang pa victim ang narrative mo, from Joey Marquez (kahit mali alam ng public) to my brother.
“Tapos may patawa ka pa na post na my brother’s credit card charges violated your endorsement deals? Hahaha! Ang hindi pagkain ng ibang chicken aside sa Chowking eh personal obligation mo.
“Mahirap maging anak ni Ninoy at ni Cory. Pero ok naman lumabas yung iba mong mga kapatid. Bat ikaw naging ganyan?”
With that, bash ang inabot ng nasabing lawyer, burn as in sunog siya sa mga comments ng netizens.
“Atty Chismoso dapat cguro nasa lansangan ka lang nagtatambay ganyan ang mga chismosa. Wala kang pakialam sa buhay ni Ms. Kris kahit anuman gawin nya.”
“Nakakaawa naman itong abugadong ito. Wala lang maisagot sa tunay na issue kaya pinersonal na lang si Kris.”
“Di ba abogado ito o abogago? Kahit ilang lalaki ang dumaan sa buhay ni Kris galing pa rin sya sa pamilyang may dignidad. E, ikaw? Balahura ka!”
“AT ANONG KINALAMAN NG LALAKI NI MISS KRIS (kung meron man, wala ka ng pakialam) SA KASO NG KAPATID MO? IPAGTANGGOL MO NA LANG SA KORTE, ATTORNEY KA DB?”
Any comment, Atty. Falcis?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.