#Tomboyan: Relasyon nina female star at male celeb echosan lang | Bandera

#Tomboyan: Relasyon nina female star at male celeb echosan lang

Cristy Fermin - November 18, 2018 - 12:35 AM

SA isang malaking umpukan ay puro halakhakan ang maririnig. Kapag may inilahad na kuwento ang isang miron ay apiran nang apiran ang mga magkakaumpukan, kasunod nu’n ang matinding halakhakan, isang kilalang male personality ang sentro ng kanilang kuwentuhan.

Bagitong aktor pa lang daw kasi ang male personality ay may kakaiba na silang naamoy. Masangsang ang amoy na ‘yun. Humahalimuyak sa kasangsangan.

Kuwento ng isang nasa umpukan, “Ano ba? Tomboyan na ba talaga ang uso ngayon? Talaga bang para lang magkaroon ng issue tungkol sa kanila, e, kailangan nang sabihin ang mga kuwentong-kutsero?

“Ano ba? Wala na bang mapag-uusapan kasi sa kanilang dalawa, kaya dapat nilang ipaglantaran na sila na nga? Ano ba?” unang chika ng aming impormante.

Maraming kilay ang nagtaasan nang sa wakas, pagkatapos nang napakahabang panahon, ay umamin na ang female personality tungkol sa relasyon nila ng isang aktor-aktoran.

“Nakakalokah ‘yun, ha? E, kabog na kabog nga siya ng boyfriend niya pagdating sa pag-aalaga ng sarili! Simple lang ang girl, pero ang guy, dios mio!

“Tala-talaksang kaechosan talaga ang bitbit niya kapag nagtatrabaho siya! Ilang maleta ang dala-dala niya na hindi naman mga damit ang laman?

“Kung anu-anong pampakinis ng kutis ang nandu’n, kung anu-anong cream, meron pa ngang mga hinihiwa-hiwang kung anu-anong fruits para pampakinis pa rin ng kutis niya!

“Meron bang ganu’n ang girl kapag nagtatrabaho siya? Mga damit at make-up kit lang naman ang bitbit niya, di ba? Kabog na kabog siya ng partner niya na ilang maleta ng mga beauty products ang dala-dala sa set.

“Tantanan ako! Stop me! Hindi kapani-paniwala ang deklarasyon ng babaeng ‘yun! Magtigil siya, hindi tayo ipinanganak kahapon, ‘no!

“Kita n’yo, nu’ng sabihin niyang sila na nga, e, nagdabog ang mga becki! Ano raw ang gustong palabasin ng girl, okey lang na maging karelasyon ang isang guy na parang beauty expert sa dami ng nalalaman tungkol sa pagpapaganda! Magtigil siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siya lang ang naniniwalang sila na nga, siya lang, kaya huwag siyang nangdadamay, kimkimin na lang niya ang feelings niya!” inis na chika ng aming source.

Aysus naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday! Talagang hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending