Toto Natividad nagsawa na sa ‘Probinsyano’ | Bandera

Toto Natividad nagsawa na sa ‘Probinsyano’

Reggee Bonoan |November 17,2018
facebook
share this

Toto Natividad nagsawa na sa ‘Probinsyano’

Reggee Bonoan - November 17, 2018 - 12:10 AM


HINDI na nagulat ang ilang mga taga-ABS-CBN na nakausap namin sa paglipat ni Direk Toto Natividad sa GMA 7 para idirek ang bagong programang tatapat sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Isa si Direk Toto sa mga humahawak ng maaaksyong eksena sa primetim serye ni Coco Martin.

Sabi sa amin, “Parang mahigit dalawang buwan nang wala sa Probinsyano si direk Toto, so, baka finished contract na siya?”

Ikinuwento namin sa aming kausap na nasabi ni direk Toto sa presscon ng bagong teleserye ng GMA na nagpa-release na siya sa Probinsyano at hinihintay na lang nitong mapanotaryo ang kanyang mga dokumento.

“Ah, nagpa-release hindi finished contract? Well, baka naman kasi naghanap ng mas mataas na talent fee or something? Hindi namin alam, eh. Hindi naman nakarating sa akin ang kuwento,” saad ng taga-Kapamilya network.

May nagsabi naman na baka raw nagsawa na si direk Toto sa programang tatlong taon nang umeere sa ABS-CBN at gusto naman ng bagong programa.

Nabanggit ng isa pa naming kausap na may mga pagkakataong hindi available si direk Toto kapag tinatawagan siya for Probinsyano taping dahil may mga prior commitments. Sinabi rin niya na wala siyang alam na dahilan para magalit o magtampo si Direk Toto kay Coco tulad ng mga napapabalita.

As of now ay tatlo ang direktor ng Ang Probinsyano, sina Enzo Williams, Malu Sevilla at Coco Martin.

Kuwento sa amin ng isa pang taga-Dos, si direk Malu ang in-charge sa Metro Manila scenes tulad ng mga eksena nina Edu Manzano, Susan Roces, Roderick Paulate at Joel Torre, at kapag may mga action scenes ay si direk Enzo ang katuwang ni direk Malu.

Si Coco naman daw ang nakatoka sa mga eksena sa bundok kasama ang kanyang assistant director.

Nabanggit din namin na ika-16 programa na ng GMA 7 ang bagong katapat ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo nga. E, di wow! Ha-hahaha!” natawang sabi ng kausap namin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending