Imelda Marcos pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ng P150K | Bandera

Imelda Marcos pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ng P150K

|November 16,2018
facebook
share this

Imelda Marcos pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ng P150K

- November 16, 2018 - 11:46 AM

PINAYAGAN ngayong araw ng Sandiganbayan si dating First Lady Imelda Marcos na makapagpiyansa ng  P150,000 habang dinidinig ang kanyang mosyon sa kabila naman ng desisyon ng anti-graft court kung saan napatunayan siyang guilty sa pitong kaso ng graft.

Katumbas ang kanyang piyansa ng orihinal na halaga na kanyang inilagak noong 1991, na na-forfeit matapos naman ang desisyon ng Sandiganbayan noong Nobyembre 9.

Habang wala pang desisyon kaugnay ng kanyang motion for leave, inatasan ang biyuda ng yumaong diktador na si dating pangulong Ferdinand E. Marcos na manatili sa loob ng court room ng Sandiganbayan Fifth Division.

Noong Miyerkules, naghain si Marcos ng isang motion for leave para i-avail ng “post-conviction remedies”,  kung saan idinahilan niya ang isyu sa kanyang kalusugan kayat hindi nakadalo sa promulgasyon ng kanyang mga kaso noong Nobyembre 9.

Napatunayang guilty si Marcos sa pitong counts ng graft kaugnay ng paglipat ng $200 millyon sa Swiss foundations, na kanyang itinayo kasama ang kanyang mister at ginawa nilang benepisyaryo ang kanilang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending