Matutulog lang pala, nag-Singapore pa si Du30-solon | Bandera

Matutulog lang pala, nag-Singapore pa si Du30-solon

Leifbilly Begas - November 15, 2018 - 08:39 PM

SINAYANG umano ni Pangulong Duterte ang pagkakataon na makausap ang mga bansa na nag-aagawan sa mga isla sa West Philippine Sea sa pinuntahan nitong 33rd Association of Southeast Asian Nations Summit sa Singapore.

“Sayang lang ang pondo ng bayan sa isang sleeping president. Hindi nya minaximize ang pagkakataon upang makausap ang mga lider ng mga bansa kaugnay ng mga problema ng ating bansa,” ani ACT Rep. France Castro.

Paniwala ni Castro baka umiiwas si Duterte na masingil ng ibang bansa dahil sa pagpabor nito sa China.

“Umiiwas ba sya na masingil sya ng mga bansang nag-aagawan sa WPS sa kanyang pagiging maamong tupa ng Tsina?” tanong ni Castro.

Hindi napuntahan ni Duterte ang apat sa walong event sa ASEAN Summit dahil nag-power nap ito, ayon sa Malacanang.

“Napakatagal naman yatang power nap nun eh… Dun pa siya natulog. Dapat ‘di na lang siya pumunta sa Asean meeting, sana nag-stay na lang siya dito sa bansa natin baka mas may kabuluhan pa ‘yung magagawa niya rito,” dagdag pa ng lady solon.

Sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ang hindi pagdalo ni Duterte sa ilang event ay nagpapakita na hindi ito interesado sa kanyang pinuntahan.

“In international events, the President must make sure that he is able to represent the country with a sound body and mind. If something ails him so much that he is unable to exercise his duties as President, he must seek immediate medical attention,” ani Alejano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending