Andrea, Janine tagumpay ang laban kontra-bully | Bandera

Andrea, Janine tagumpay ang laban kontra-bully

Jun Nardo |November 16,2018
facebook
share this

Andrea, Janine tagumpay ang laban kontra-bully

Jun Nardo - November 16, 2018 - 12:10 AM


MATIBAY  na ang dibdib nina Andrea Torres at Janine Gutierrez sa anumang banat sa kanila ng netizens matapos maging leading ladies ni Alden Richards sa Victor Magtanggol na magtatapos na ngayong gabi.

Hindi nakaligtas ang dalawang Kapuso actress sa socmed trolls nang lumutang na makakapareha nila ang ang Pambansang Bae. May mga moments na hindi nila kinakaya ang pang-aalipusta sa kanila pero nagsawa rin ang bashers dahil dedma lang sa kanila sina Janine at Andrea, huh!

“Malaki ang naging suporta ni Alden sa akin during those times. Pero nagkaroon din naman ng magandang resulta dahil ‘yung mga hindi ko kilala talagang nagpadama ng suporta sa akin,” saad ni Janine.

“Siyempre, alam ko na kung paano i-handle ang sitwasyon kapag matindi ang bashing sa akin. Basta ang mahalaga, naranasan kong makatrabaho si Alden na buong puso talaga ang dedikasyon sa work niya at ang nakakabilib pa ay ang kanyang leadership,” sey naman ni Andrea.

Sa ngayon, ang pelikulang “Elise” with Enchong Dee ang ginagawa ni Janine, tatapusin muna niya ito bago magbakasyon sa Amerika habang si Andrea naman ay may matinding paandar sa ilalabas niyang sexy calendar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending