Ex-sexy star mabenta noon sa piyestahan, X-mas party, pero... | Bandera

Ex-sexy star mabenta noon sa piyestahan, X-mas party, pero…

Cristy Fermin |November 15,2018
facebook
share this

Ex-sexy star mabenta noon sa piyestahan, X-mas party, pero…

Cristy Fermin - November 15, 2018 - 12:15 AM

DAHIL ilang tulog at gising na lang ay Pasko na, biglang naalala ng mga magkakaumpukang taga-showbiz ang mommy ng isang female personality. Magaling magbenta ng serbisyo ng kanyang anak ang mudrang ito.

Hindi naman kagalingang kumanta ang kanyang anak, pero sexy at makinis siya, kaya puwede na ring maging guest sa mga Christmas party ang girl.

Kuwento ng aming source, “Naku, naalala ko pa nu’ng busy pa sa career niya ang female personality na ‘yun! Ang mommy niya ang buhay niya sa mga karaketan!

“Magaling kasi ang bokadura ni mommy, kahit yata mga tulay na walang dokumento, e, kayang-kaya niyang ibenta dahil sa galing ng sales talk niya!

“Napakaraming raket ng anak niya, halos araw-araw silang may tinatanguang party, bayad siyempre ang mga imbitasyong tinatanggap ni mommy,” natatawang chika ng aming source.

Ang problema lang ay hindi kumakanta nang live ang female personality dahil kung saan-saan nagpupunta ang boses niya, sintunado ang ipinagmamalaking anak ni mommy, sa totoo lang.

“Palagi silang nabubuking na nagli-lip sync lang. Pumapalya kasi ang recorded song ng girl, tumatalun-talon na ewan! Naku, kapag ganu’n na, e, hindi na mapakali si mommy, sinisisi niya ang operator at technician sa party!

“Bakit daw nagkaganu’n ang minus one ng anak niya? Bakit daw parang sinasabotahe ang pinakamamahal niyang anak? E, hindi naman minus one ang nakasalang du’n, kundi ang pre-recorded song ng anak niya, kaya sinasabayan lang niya ang kanta!

“Nakakaloka ang mag-inang ‘yun, ang galing-galing nilang rumaket, ibang klaseng manager si mommy na punumpuno na ang schedule book nila kapag panahon ng piyestahan at Pasko!

“At meron na siyang nakahandang script na babasahin ng host bago sumalang ang anak niya. Matindi ang laman ng intro spiel, puro superlatibo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakaloka talaga ang mag-inang ‘yun na hindi na masyadong aktibo ngayon. Hanapin kaya natin sila sa Jones Bridge? Baka du’n na nagko-concert ang anak niya?” tawa pa rin nang tawang kuwento ng chikadora naming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang female personality na ito, peksman!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending