KZ Tandingan sasabak na rin sa akting; bibinyagan ni Epy Quizon | Bandera

KZ Tandingan sasabak na rin sa akting; bibinyagan ni Epy Quizon

Reggee Bonoan |November 14,2018
facebook
share this

KZ Tandingan sasabak na rin sa akting; bibinyagan ni Epy Quizon

Reggee Bonoan - November 14, 2018 - 12:35 AM


SI KZ Tandingan siguro ang idolo ng Pinay contestant sa X-Factor Romania na si Bella Santiago.

Ang kinanta kasi niyang “Rolling In The Deep” ni Adele ay katulad ng version ng Cornerstone artist nang sumali ito sa Singer 2018 nitong Marso.

Sinamahan kasi ni KZ ng sariling rap ang version niya ng “Rolling In The Deep” na wala naman sa original version ni Adele kaya nasabi naming baka nga siya ang idolo ni Bella dahil kuhang-kuha rin nito ang galaw ng Kapamilya singer.

Nagulat naman ang mga hurado ng X Factor Romania sa galing ni Bella kaya binigyan siya ng 4 chair-challenge at pasok siya sa Duel round.

Mukhang sinubaybayan ni Bella ang singing career ni KZ dahil ang rap version ay sinulat ng kaibigan ng huli.

Sa X Factor Philippines kung saan nadiskubre si KZ ay ipinamalas na niya ang kanyang galing sa pagra-rap sa mga huradong sina Pilita Corales, Martin Nievera, Charice at Gary Valenciano.

Umabot naman sa 20 million views ang performance ni Bella sa Facebook page ng X-Factor Global.

Samantala, hindi lang singer si KZ dahil artista na rin siya. Kasalukuyan siyang nasa Davao City para sa shooting ng kanyang pelikula kasama si Epy Quizon mula sa Coreminds and Mindfuel Productions na kumpanya ng aktor at ng direktor nilang si Jourdan Sebastian.

Base sa pahayag ng handler ni KZ na si Caress Caballero ay 70% ng pelikula ay sa Davao kukunan at may mga eksenang Bisaya ang salita ng singer-actress.

Sakto naman na sa Davao ang location dahil taga-Digos din si KZ.

Magiging abala na rin ang dalaga sa nalalapit na rehearsals nila para sa concert ng The Divas kasama sina Yeng Constantino, Kyla at Angeline Quinto at ka-back-to-back ang Boyz II Men na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Dec. 15.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending