Senatorial bets nagsisiksikan sa Hugpong ni Sara | Bandera

Senatorial bets nagsisiksikan sa Hugpong ni Sara

Leifbilly Begas - November 14, 2018 - 12:10 AM

MAY nahilo sa listahan ng senatorial slate ng Hugpong ng Pagbabago.

Umabot kasi sa 15 ang senatorial candidate na sinusuportahan ng regional party na pinamumunuan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Obvious naman na maraming kandidato ang gustong makapasok sa listahan ng susuportahan ng anak ng pangulo kaya nagsisiksikan sila roon, hindi katulad ng tiket ng mga ‘dilawan’ na kakalugkalog.

Sa tingin ko nga ay mas marami pa ang gustong ma-endorso ng Hugpong kaysa may gusto sa PDP-Laban, ang partido na umampon kay Pangulong Duterte noong 2016 elections.

May ikinakatakot lang ang mga kandidato at kanilang supporter sa pagsuporta ng Hugpong sa 15 kandidato.

Baka daw may mga magkamali at 15 din ang iboto sa araw ng eleksyon.

Hindi bibilangin ng vote counting machine kung 15 ang ibinoto sa pagkasenador dahil hanggang 12 lang ang pwede. Kung hindi mabibilang ang boto, maraming kandidato ang tatagilid.

Isa pang problema na nakikita ng isang miron ay magsisiksikan ang mga kandidato sa entablado.

Kung problema ang listahan ng senatorial candidates, ganun din sa mga lokal na posisyon.

Mayroong mga kandidato ng PDP-Laban na magkakalaban.

At meron ding mga kandidato ng PDP-Laban na ang kalaban ay inendorso ng Hugpong.

Naloko na.

Hindi pa man nag-iinit ang pagtataas ng pamasahe sa mga pampasaherong jeepney ay pinag-iisipan na kung pwede na itong ibaba.

Noong Nobyembre 2 nagsimula ang pagpapatupad ng P10 minimum fare sa mga jeepney na inaprubahan ng LTFRB noong Oktobre 17.

Permanent increase ang ibinigay ng ahensya, hindi provisional.

Maraming driver at operator ang pumila sa mga tanggapan ng LTFRB para makakuha ng fare matrix na nagbayad ng P600 ata.
Dumagsa sila dahil bawal maningil ng walang matrix.

Humirit naman si LTFRB board member Aileen Lizada ng special board meeting para pag-usapan kung pwede ng magbaba ng pamasahe matapos ang sunod-sunod na big time roll back sa presyo ng diesel. Limang magkakasunod na linggo na ang roll back.

Ang ikinakatakot ng mga driver, mas mabilis na magbaba ng pasahe ang LTFRB kaysa magtaas kaya lugi daw sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung bababa ang pasahe ay hindi na mababawi ng mga driver at operator ang kanilang ibinayad sa fare matrix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending