Tony lapitin ng mga matrona: Pero hindi ko naman po sila pinapatulan | Bandera

Tony lapitin ng mga matrona: Pero hindi ko naman po sila pinapatulan

Reggee Bonoan |November 13,2018
facebook
share this

Tony lapitin ng mga matrona: Pero hindi ko naman po sila pinapatulan

Reggee Bonoan - November 13, 2018 - 12:10 AM


HINDI mawala ang mga ngiti ni Tony Labrusca habang nakikinig sa kuwento ni Angel Aquino tungkol sa pagiging gentleman niya habang kinukunan ang kanilang love scenes para sa digital film na “Glorious” na mapapanood na sa Nob. 17 sa IWant.

Maging si direk Connie Macatuno ay nagsabi sa aktor na, “Huwag lalaki ulo mo ha, sisikat ka rito (sa movie nila ni Angel).”

Totoo naman, dahil talk of the town ngayon ang baguhang aktor at pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa maiinit na eksena nila ni Angel.

Kung maraming naiinggit kay Tony dahil sa eksena nila ng aktres na pantasya rin ng mga kalalakihan ay may mga babae’t bading din ang nagnanais na matikman ang hunk actor.

Markado ang eksenang kinakain nina Angel at Tony ang isang cake dahil pati kamay ng aktres ay sinubo ng aktor.

“Ha-hahaha! Sa sobrang sarap po ng cake, talagang kinain ko po,” natawang sambit ng binata.

Humagalpak naman ng tawa si Tony sa tanong kung cake nga lang ba ang kinain niya sa eksena, “Ha-hahahahaha! Grabe!”

Ideya ni direk Connie ang cake scene dahil, “Siyempre in every scene iisipin mo, what is good about a relationship between two people and one thing I think is delicious.

“So delicious sa akin ‘yung eating something from the hand, so hayun sabi ko, ‘cut ilabas na ang cake!’ Shocked din naman sila kasi hindi nila alam na may pa-cake ako,” natatawa pang kuwento ng direktor.

Ano naman ang reaksyon ni Tony na nag-viral ang trailer ng pelikula nila ni Angel?

“Masaya lang po ako na nagustuhan ng mga tao ‘yung trailer, so it really paid off na ‘yung art namin at pinaghirapan namin sa movie in the same way na pinagpapantasyahan. Nakakatawa po ‘yung mga reaksyon ng mga tao,” say ng aktor.

Ayon sa binata ay walang pinipiling edad ang pag-ibig at walang pinipili kung sinong tao ang tatamaan nito dahil hindi naman napipigilan kapag naramdaman mong nagmamahal ka.

“This movie is about love and I guess some people would say about breaking boundaries but I think it’s so much more than just about age, it’s actually to show people that you can fall in love with whoever you wanna fall in love with,” paliwanag ni Tony.

Samantala, inamin naman ni Angel na nagkaroon siya noon ng karelasyon na mas bata sa kanya at si Tony naman ay umaming maraming nagkakagusto sa kanyang mature women pero hindi niya pinapatos lalo’t may mga asawa’t anak na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong namin si direk Connie kung may nudity talaga sa pelikula, tugon niya, “You have to watch it.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending