2019 budget ni Du30 hindi pa rin tapos
HINDI pa tapos ng House committee on appropriations ang P3.757 trilyong budget na hinihingi ng Malacanang para sa 2019.
Ayon sa chairman ng komite na si Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora posibleng matapos na ng komite ang mga pagbabago sa 2019 budget ngayong linggo upang mapagbotohan na ito sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara de Representantes sa susunod na linggo.
“Unfortunately, we’re still quite in the thick of the amendments, due to the volume of the amendments requested and agreed upon during the debates over HB No. 8169 alone, combined with the different agencies’ concerns, we’re still going through items. We’re targeting finishing this week, and then the budget will be readied for printing,” ani Zamora.
Sinabi naman ni Zamora na mayroon pang sapat na panahon upang matapos ng Kongreso ang budget at mapirmahan ito ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon.
Natagalan ang Kamara na tapusin ang budget dahil sa P52 bilyong insertion na inilagay umano ng nakaraang liderato ng Kamara. Nang madiskubre ipinag-utos ni House Speaker Gloria Arroyo na ilagay ito sa iba’t ibang proyekto alinsunod sa mga pangako ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.