Gwapong aktor sobrang tamad kaya nilalayasan ng mga dyowa | Bandera

Gwapong aktor sobrang tamad kaya nilalayasan ng mga dyowa

Cristy Fermin |November 12,2018
facebook
share this

Gwapong aktor sobrang tamad kaya nilalayasan ng mga dyowa

Cristy Fermin - November 12, 2018 - 12:15 AM

NAUUNGKAT pa rin hanggang ngayon sa mga umpukang-showbiz ang mga kuwento tungkol sa isang guwapong male personality na naging kontrobersiyal ang lovelife.

Kung bakit wala siyang tumatagal na pakikipagrelasyon ay alam na alam ng mga taong malapit sa kanya pero wala lang lumalantad para sabihin ang katotohanan.

Kuwento ng aming source, “Naku, kabisado na siya ng mga friends niya, alam na alam nila ang dahilan kung bakit puro panandalian lang ang relationship niya, wala siyang maitatago sa mga taong ‘yun!

“Actually, binibilangan nga siya ng mga kaibigan niya, hindi lang siya dinidiretso dahil baka mapahiya siya, pero sila-silang close kay male personality, e, nagbibilang kung ilang months lang ang pakikipagrelasyon niya.

“Meron naman siyang tumagal na karelasyon, pero nauntog din agad ang girl sa katotohanan, kaya nakipaghiwalay rin sa kanya,” pasakalyeng chika ng aming source.

Mabigat daw kasi ang katawan ng guwapong male personality. In short, may katamaran siya, hindi siya ang klase ng artistang nagkukumahog talaga sa katatrabaho.

“Naku, ‘yun ang totoong dahilan, may katamaran ang lalaking ‘yun! Mabigat ang katawan niya, palagi lang siyang natutulog. Gym lang ang pinagkakaabalahan niya dahil masyado siyang conscious sa body niya.

“Pero ‘yun lang! Wala na siyang ibang gustong gawin, tumanggap man siya ng project, e, paisa-isa lang. Tamad talaga siya!

“At mapili pa siya nu’ng lagay na ‘yun, ha? Ayaw niya ng serye, mahabaang work daw kasi ang ganu’n, mas gusto niyang gumawa ng pelikula dahil mas maigsi daw. Nakakaloka siya, ha? Ang ibang mga artista nga, e, nagpapakamatay sa pagtatrabaho!

“Naghahanap sila ng work, masisipag sila, samantalang ang isang ito, e, walang alam kundi ang pumorma lang at magpa-cute! Tamad siya, may kabigatan ang katawan niya, kesehodang madalas pa siyang mag-gym!

“Ilang female personalities na ba ang nakarelasyon niya? Ang dami-dami na! Pero walang tumatagal dahil siguro nga, pati sa pakikipaglambigan, e, tamad na tamad din siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahilig magbasa ng lips niya ang male personality na ito, guwapo siya, maganda rin ang bulto ng body niya, pero tamad siya!

“Kilalang-kilala n’yo kung sino ang male personality na ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bagets na bagets pa siya, kilala n’yo na siya!” pagtatapos na chika ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending