Angel pumayag makipaglaplapan kay Tony sa 1 kundisyon: Dapat totohanan! | Bandera

Angel pumayag makipaglaplapan kay Tony sa 1 kundisyon: Dapat totohanan!

Reggee Bonoan |November 12,2018
facebook
share this

Angel pumayag makipaglaplapan kay Tony sa 1 kundisyon: Dapat totohanan!

Reggee Bonoan - November 12, 2018 - 12:01 AM

NANG dumalo kami sa bloggers/online writers conference ng digital film na “Glorious” ay umabot na sa 14 million views ang trailer nito na idinirek ni Connie Macatuno mula sa Dreamscape Entertainment.

Ayon sa publicity head ng Dreamscape na si Eric John Salut, gumawa ng history sa online world ang “Glorious” bilang movie trailer na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng nakapanood kaya naman ang ingay-ingay ng pelikula nina Tony Labrusca at A-ngel Aquino na mapapanood na sa Nob. 17 sa IWant (kapalit ng IWant TV).

Speechless naman si A-ngel nang hingan ng reaks-yon tungkol sa “Glorious”, “Hindi ko ma-explain, sama-sama rin kasi ‘yung emotions na napi-feel ko lalo na the first time I saw the trailer, the first time I got the script, hanggang ngayon mixed emotions ako.

“I feel scared, I feel happy, excited, thrilled mostly positive naman, but of course after doing what we did in the movie, natatakot pa rin akong mapanood ang sarili ko sa lahat ng ginawa ko,” pag-amin ni Angel.

Sundot naman ni Tony, “Kasi trailer pa lang hindi na kaya baka pag napanood ‘yung whole baka mahimatay na kayo (sabay tawa).”

Ilang taon na rin si Angel sa showbiz pero hindi pa siya nakakagawa ng kasing daring ng “Glorious” kaya big deal kung paano siya napapayag ni direk Connie na gawin ang maseselang eksena nila ni Tony.

“Kasi this is Dreamscape digital and it was sir Deo (Endrinal) who told me na, ‘Uy, magkakaroon kami ng digital content. We’ll start making digital content for IWant and I’m thinking of you for one of the projects.’

“‘Yun palang ang sinabi then finally we had a meeting with direk Connie and told me the whole story and sabi ko, ‘direk kung gagawin natin ‘to let’s do this for real, ayoko ng half-baked, gawin nating totoo,’” esplika ng magandang aktres.

Sa madaling salita ay kay Angel nanggaling ang ideya na totohanin ang laplapan scenes nila ni Tony na siya rin namang gustong mangyari ni direk Connie.

Ang suwerte ni Tony dahil siya ang napili ni Angel sa rami ng aktor sa ABS-CBN. “Nakita ko kasi siya sa La Luna (Sangre). First time that I saw him on TV, na-curious ako kasi nagka-come across ‘yung sincerity niya, ‘yung freshness niya, so noon pa lang, curious na ako about Tony Labrusca, the actor and I wanted to work with him.

“But I didn’t think na this soon, so when they talk about ‘Glorious’ siyempre may ibang leading man na gusto nila, somebody who just starting, so nu’ng (go-see) parang (hindi match)” hindi masabi nang diretso ng aktres na walang perfect para sa role.

Hindi binanggit kung dumaan din sa audition si Tony pero nalaman namin na handpicked siya ng Dreamscape, “Kaya ang tuwa ko nu’ng pumayag siya at feeling ko maski hindi ko pa siya nakatrabaho, it will work,” kuwento pa ni Angel.

Kumusta naman ang shooting nila para sa love scenes, “He was very scared but matapang. He really wants to prove himself, he really wants to be an actor, makikita mo ‘yung dedication and commitment niya. And he’s very gentleman.”

Paano naman ang tongue-to-tongue scenes ng dalawa? Sagot ni Direk Connie, “Sa meeting I asked them what they can do. Parameters muna, sagot ni Angel, ‘walang bawal.’ Pero siyempre may limitations din naman. Kaya sabi ko sa kanila, ‘Ako ang gusto kong kiss wet and thorough. It can’t be fake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos dito, siyempre iba naman ‘yung pag kiss ni Tony, may sarili siyang version, all I said was, give me a wet kiss tapos bahala na sila, sometimes I guide them, pero sila na ‘yun,” paliwanag ni Direk.

Obviously tungkol sa May-December affair ang kuwento ng “Glorious” at dahil bagets ang lalaki kaya mainit pa ito, bagay na nagustuhan ng babae dahil hindi nga niya inakala na sa edad niyang mahigit sa kalahati ang tanda sa kanyang lover ay makakatikim pa siya ng wild sex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending