AMY PEREZ inupakan ng mga katrabaho sa FACE TO FACE, sobrang sama ng loob | Bandera

AMY PEREZ inupakan ng mga katrabaho sa FACE TO FACE, sobrang sama ng loob

Cristy Fermin - July 09, 2013 - 06:00 AM

Kahapon, kung hindi nagkaroon ng aberya, ay nakatakdang makipagmiting si Amy Perez sa ilang tagapamuno ng TV5 para plantsahin ang isang matinding problema sa pagitan niya at ng kanyang staff sa Face To Face.

Naging masalimuot ang mga nagdaang araw para sa aktres-TV host, sobrang sakit ang kanyang naramdaman, dahil nakarating sa kanya ang mga impormasyong hindi niya sukat-akalaing magagawa sa kanya ng mga taong kasalo niya sa trabaho sa loob nang tatlong taon.

Hindi na namin idedetalye pa ang mga nangyari, pero sapat nang banggitin namin na sumama nang todo ang loob ni Amy, itinuring na kasi niyang hindi iba sa kanya ang mga taong nakakasalamuha niya sa kanyang programa.

Tatlo na ang kanyang anak, ang pinakabunso ay ipinanganak niya sa pamamagitan ng caesarian section, naging matagal ang kanyang paggaling mula sa panganganak.

Kuwento ng aming source, “Humiling siya sa production na baka naman puwedeng huwag munang apat na episode ang ipagawa sa kanya in one day, masyado siyang mahihirapan du’n, dahil kapapanganak pa lang niya.

“Hindi naman kasi biro ang Face To Face, sa bawat episode, e, meron silang nire-resolve na problema, hindi basta daldal lang nang daldal ang host ng show, puro matitinding problema ang nakakaengkuwentro nila sa bawat episode.

“Kaso, minasama ‘yun ng head ng team, kung ano-ano nang pasaring ang ginawa sa kanya sa Facebook, walang name, pero halatado namang siya ang pinariringgan.

“Saan ka naman nakakita ng host na mismong staff niya ang umuupak sa kanya at sa social media pa?” tasado lang ang kuwento ng aming impormante pero nagbibigay ng linaw sa sitwasyon.

Naging emosyonal si Amy Perez nang dahil du’n, halos maapektuhan na ang kanyang trabaho dahil sa hindi nila pagkakaintindihan ng ilan niyang staff, ‘yun ang kailangang plAntsahin ngayon ng kanilang mga tagapamuno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending