Jay Sonza maraming pasabog bilang judge sa beauty pageant | Bandera

Jay Sonza maraming pasabog bilang judge sa beauty pageant

Alex Brosas |November 10,2018
facebook
share this

Jay Sonza maraming pasabog bilang judge sa beauty pageant

Alex Brosas - November 10, 2018 - 12:30 AM

JAY SONZA

LUMIKHA ng malaking kontrobersiya ang hanash ng tatlong candidates ng Miss Earth na nagsabing they were harassed by one sponsor.

Sa kani-kanilang Instagram account ay ikinuwento nila kung paano nangyari ang harassment. Matapang ang isa dahil talagang pinangalanan niya ang guy na diumano ay nang-harass sa kanya.

Wala pang pormal na reklamo kaya hindi pa namin alam kung saan aabot ng kontrobersiyang ito.

Maging si Jay Sonza ay nakisawsaw na sa issue. Sa kanyang latest post ay nagpahaging siyang may ibubulgar siyang pageant-related incidents na kanyang nasaksihan.

“Darating ang araw na magsusulat ako ng aking mga personal na karanasan bilang principal judge sa mga pangyayari sa likod ng isang pamosong national at international beauty pageant.

“Abangan ang mga umaalingasaw na pagsabog lalo na sa pre-pageant pa lamang hanggang sa coronation night!”

‘Yan ang post niya sa kanyang Facebook account. This early ay marami na ang nag-aabang sa mga pasabog na revelation ni Jay.

“Maraming shocking story behind the stages for sure ito! popcorn pls.”

“Now na! Napapanahon para ilabas ang mga manyakol na aalig aligid diyan.”

“Mukhang kaka-excite basahin yang isusulat nyong yan sir Jay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naalala ko po yung ‘Take it! Take it’ scene sir Jay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending