Maymay mas tumaas ang confidence; may ka-look alike na Korean model
ANG ganda-ganda ni PBB Lucky Season 7 big winner Maymay Entrata nang humarap sa entertainment press at bloggers para sa presscon ng bago niyang endorsement.
Blooming ang dalaga at model na model na talaga ang kanyang aura. Si Maymay ang kauna-unahang brand ambassador ng skincare line na Megan na ilang taon na ring namamayagpag sa market.
Ayon sa dalaga, mas naging confident siya ngayon dahil sa mga ineendorso niyang beauty products.
Natutunan niyang mas mahalin ang sarili at mas maniwala sa kanyang kakayahan dahil na rin sa tiwala ng mga kumpanyang kumukuha sa kanya bilang endorser.
Mas conscious na rin siya ngayon sa kanyang itsura kaya talagang super maalaga na siya sa katawan, lalo na sa mukha at tamang-tama raw ang pagdating ng Megan beauty stuff sa kanyang buhay.
“Since ‘yung Megan Skincare Peel Off mask ‘di naman po siya every day, ginagamit ko lang po siya once a week or twice a week. Kapag everyday naman po, hindi po mawawala ‘yung moisturizer tapos toner.
Minsan serum po. Pero paminsan-minsan lang po ‘yun,” ani Maymay.
Megan is a local skincare brand that takes care of Filipinas’ skin by keeping it clean.
Sa mediacon ng Megan ikinuwento ng dalaga kung paano siya natutong mag-make up sa pamamagitan ng tutorial videos sa YouTube, kabilang na rito ang pagkakaroon ng Korean look na bentang-benta ngayon sa mga millennial.
“Nanonood po ako ng YouTube videos lalo na po kapag make-up tutorials kasi ngayon talaga gusto ko marunong na ako mag-make-up kasi madami po nagsasabi sa akin na, ‘Kailangan mo ‘yan kasi public figure ka na’ kasi dati po wow.
“Tapos ngayon dahil nga po sa make-up tutorials, ang dami kong natutunan. Tapos mahilig din po ako sa mga Korean style sa mukha. Hindi naman po masyado. Konti lang. Tapos ‘yung iba naman mas natural lang. Gandang natural,” chika pa ni Maymay sa presscon ng Megan.
Natanong nga ang dalaga kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing malaki ang pagkakahawig niya sa kilalang Korean model na si Jung Eun Kim na may handle name sa Instagram na @bboggooo.
“Siyempre naa-appreciate ko po ‘yung mga sinasabi nila. Nakakataba sa puso. Pero para sa akin mas maganda siya. Pero maraming-maraming salamat sa lahat ng nagsasabing kamukha ko siya,” pa-humble na tugon ng ka-loveteam ni Edward Barber.
Sobrang thankful si Maymay sa mga taong nasa likod ng Megan dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang first ever endorser nila. #MegandaSiMayMay is the campaign name of Megan.
“With a witty nature, a caring attitude, and a personality that radiates confidence, Maymay surely embodies the brand Megan, a brand which name stands for strong, capable, practical and true to one’s self- qualities Megan and Maymay share.
“Megan stays true to its mission of taking care of Filipinas’ skin by stressing the importance of a clean skin that can easily be achieved with Megan’s facial skin care products that leaves your skin free of blackheads, whiteheads and skin impurities for a cleaner skin that brings out the natural beauty of Filipinas,” sey ng mga taga-Megan.
Available na ang Megan sa leading drug stores and department stores nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.