Christian Bables patuloy na sinuswerte | Bandera

Christian Bables patuloy na sinuswerte

Reggee Bonoan |November 10,2018
facebook
share this

Christian Bables patuloy na sinuswerte

Reggee Bonoan - November 10, 2018 - 12:10 AM

CHRISTIAN BABLES

HINDI nawawala ang magandang ngiti ni Christian Bables sa ginanap na mediacon ng pelikulang “Recipe For Love” kamakalawa dahil sa patuloy na pagganda ng kanyang karera.

Bukod sa bago niyang pelikula mula sa Regal Entertainment, maganda rin ang ratings ng serye nilang Halik. Sa katunayan, umabot na sa mahigit 3 million ang nanonood ng serye sa IWant TV kung saan gumaganap siya bilang si Barry Bartolome na kababata at matalik na kaibigan ni Jericho Rosales bilang si Lino Bartolome.

Apat na taon ang kontrata ni Christian sa Regal Films at nakakadalawang taon palang siya pero apat na agad ang pelikulang nagawa niya, ang “I Love You To Death,” “Die Beautiful,” “Signal Rock” at itong “Recipe For Love.”

“I’m thankful and sana I pray na patuloy pa akong i-bless ni God. Kasi ngayon hindi ko pa rin alam kung anong plano sa akin ni God. So i-bless na lang ako to be a better person and I’m happy sa mga nakukuha kong blessings,” masayang sabi ng aktor.

Ang pelikula rin niyang “Signal Rock” ang magiging entry ng Pilipinas para sa 2019 Oscars na malalaman na ang resulta sa Enero, sabi ni Christian.

“Oo nga, nasabi ko before na pasok na sa Oscars, entry palang pala at pagpipilian pa, nagulo utak ko no’n, sorry,” tumawang tugon sa amin ng binata.

Gong back to “Recipe For Love” ay kilalang chef ang karakter ni Christian bilang si Calix na nakakilala ng isang food blogger na ginagampanan ng former PBB housemate na si Cora Waddell.

Admittedly, hindi marunong magluto si Christian maliban sa pasta o spaghetti, masarap naman daw siyang magluto lalo na kapag inspired at masaya siya, “Pero kapag malungkot at wala ako sa mood, lasang engkanto ang niluto ko. Ha-hahaha!”

Mapapanood na ang “Recipe For Love” sa Nob. 21 nationwide mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes under Regal Films.

Kasama rin sa pelikula sina Sophie Albert, Enrico Cuenca, Myrtle Sarroza at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending