Rico J. Puno nailibing na

By Liza Soriano November 08,2018
share this

Rico J. Puno nailibing na

By Liza Soriano November 08,2018
share this

RICO PUNO

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang tinaguriang “OPM legend” at total performer na si Enrico De Jesus Puno na mas kilala sa pangalang “Rico J. Puno,” sa Heritage Park sa Taguig City, kaninang umaga.

Inilabas ang labi ni Rico J mula sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park at nagsagawa pa ng Motorcade sa kahabaan ng JP Rizal Street patungo sa lumang City Hall dakong 5:28 ng umaga.

Bago inihatid sa himlayan dakong alas-10 ng umaga,dinala ang mga labi ni Rico J sa lumang gusali ng Makati City Hall upang masulyapan sa huling pagkakataon ng mga tagahanga sa isinagawang public viewing bandang alas-6 ng umaga. 

Sumikat si Rico J. noong dekada 70’s sa mga awiting Kapalaran, Macho Guwapito, Bawal na Pag-ibig m, Lupa at iba pa na tumatak sa puso ng mga Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending