‘LITTLE JUAN’ nakabili na ng bahay, gusto ring magtayo ng karinderya at bakery
In fairness, mas maingay ngayon ang pangalan ni Izzy Canillo, ang bida sa afternoon series ng ABS-CBN na My Little Juan, kesa sa iba pang pambatong child stars ng Dos tulad nina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla.
E, kasi nga, ang talagang pinag-uusapan ngayon ay ang My Little Juan na spin-off ng Primetime Bida series na Juan dela Cruz ni Coco Martin. Kahit saan nga kami magpunta ay palaging si Little Juan ang itinatanong ng mga bagets.
Sa isang interview, inamin ni Izzy na matagal na niyang pangarap ang sumikat nang bonggang-bongga. At ngayon daw ay feel na feel niya na sikat na siya dahil marami na ang nakakakilala sa kanya kapag nasa labas.
Pero in fairness, humble at simpleng bata pa rin daw siya. “Pag lumalabas po ako ang dami nang tumatawag sa pangalan ko o kaya minsan Little Juan tapos nagpapa-picture, nagpapapirma.
“Kaya po natutuwa rin ako kasi ibig sabihin napapanood nila yung show ko. Tapos sasabihin nila ang galing ko raw umarte. Ako naman po nagte-thank you,” chika ng bagets.
Sabi pa ni Izzy, natupad na rin ang isa pa niyang pangarap bukod sa pag-aartista, “Gusto ko po kasing magkaroon ng malaking bahay tulad ng dinadaanan namin dati yung merong attic.”
At kahit hindi raw matatawag na mansiyon, nakabili na nga ang pamilya niya ng sariling bahay sa Gen. Trias, Cavite na may attic. Bukod diyan, pangarap din ng bagets na makabili ng bagong sasakyan at magkaroon ng karinderya at bakery.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.