Ilang Pinoy drug mule pa ba ang bibitayin? | Bandera

Ilang Pinoy drug mule pa ba ang bibitayin?

Arlyn Dela Cruz - July 09, 2013 - 07:00 AM

LAST week binitay ang isang Pilipinang drug mule. Sa tuwing may ganitong pangyayari, hindi na maiiwasan ang panlulumo. Andiyan na maiisip mo ang pamilyang iniwan ng binitay. Paano sila? Paano nila ito tatanggapin ito? Bakit niya pinasok ito? Kung totoo ba ang naging bintang sa kanya.

Parang kamakailan lang ay may binitay din sa China, ganitong sirkumstansiya rin, drug mule ang taguri.
Isang grupo ng mga self-confessed drug mule ang aking nakausap sa tulong noon ng mga dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Mga Pinoy sila, isang lalaki at dalawang babae at ang dating ahente ng PDEA ang nakausap ko.
Ikinuwento nila ang modus operandi ng mga sindikatong gumagawa nito at kung saang bansa nakakalusot ito. Meron sa Malaysia, Cambodia, Brazil. Nakarating sila sa mga lugar na ito na lakas-loob ang baon kasama na buwis-buhay, kumapit sa patalim.

Sila’y mga taga Isabela, alam nila ang kanilang pinasok, alam nila kung saan sila puwedeng humantong sa kanilang pagpatol sa alok na malaking sahod para lang matulungan ang kanilang pamilya na makaahon sa hirap.

Ang pamilyang siyang dahilan ng kanilang pagsuong sa bagay na labag sa batas ay ang pamilya ring kanilang iiwan sa isang iglap lamang, kapag ang nakatakdang hatol ay maisakatuparan. At kapag nangyari ito, lalabas na naman ang isyung pinag-ugatan nito: kahirapan at kawalan ng pagkakataon o oportunidad.

Mahirap unawain at bigyang katwiran kung paanong dahil sa labis na kahirapan ay nabubulid sa ganitong landas ang iilan. Iilan ang gagamitin kong pagsasalarawan dahil naniniwala akong mas marami ang pipiliing tumindig ng may dignidad sa harap ng kahirapan.

Ang pagbitay sa Pinay noong isang linggo ay isang reyalidad na hindi sa kanya magwawakas ang ganitong trahedya. There willbe others who will take that same deadly road.

May mga nasa bukana ng tuksong ito na matatakot, uurong, kakalas. Ngunit may ilan na ang pag-aatubili ay magiging panandalian lamang. Ang isang tanong na mahalagang dapat na masagot ay kung ano na ang nagawa ng mga opisyal ng gobyerno sa pagpigil sa mga sindikatong siyang pasimuno sa pagbubukas ng ganitong daan para sa iilang ang naging pasya, ito ang tugon sa kanilang kahirapan.

Editor: Para sa komento, reaksyon o tanong, i-text ang OFFCAM, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.
Si Arlyn Dela Cruz ay araw-araw ring mapakikinggan sa Radyo Inquirer dzIQ990AM sa programang BANNER STORY, alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending