Julia kontra sa muling pagpasok ni Joshua sa PBB: I will miss him…

By Reggee Bonoan November 09,2018
share this

Julia kontra sa muling pagpasok ni Joshua sa PBB: I will miss him…

By Reggee Bonoan November 09,2018
share this

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

SA umereng episode ng Ngayon At Kailanman nitong Martes ay dinala ni Inno (Joshua Garcia) si Eva (Julia Barretto) sa isla.

Sa tingin kasi ng binata ay iyon ang lugar ng pinanggalingan ng kaibigang minamahal at sakto, naalala nga ng dalaga ang lighthouse kung saan siya madalas maglaro noong bata pa siya.

Ang tanong, may mga nakakakilala pa ba kay Eva dahil sa mga naunang episodes ay namatay na ang mga taong kumupkop sa kanya na sina Manuel Chua (Joey) at Mercedes Cabral (Mia).

May makakaalala pa ba sa kanya na siya si Angela Cortes gayung nagpalit na rin siya ng pangalan bilang si Eva Mapendo.

Namumukod-tanging si Rebecca (Iza Calzado) lang ang makakakilala kay Eva dahil sa kuwintas na kanyang iniwan sa sanggol bago sila pinagbabaril. Hanggang sa makuha na nga siya ni Manuel.

Anyway, may nakitang bata si Eva na may suot ng kuwintas na tila pamilyar sa kanya, ang batang taga-isla ay anak ng karakter ni Yayo Aguila na hindi pa niri-reveal kung ano ang kaugnayan sa buhay ng mga Cortes.

Sa kabilang banda ay nakuha na ni Oli (Jameson Blake) ang shares niya sa Cortes Jewelry na nagkakahalaga ng P50 million na in-invest naman niya sa pagpapatayo ng bar and restaurant na pag-aari ng babaeng gusto niya, si Elisse (Karen delos Reyes) na duda namin ay lolokohin lang siya.

At dahil dito ay itinatwa na siya ng kanyang lola Carmen hanggang sa palayasin na siya sa mansyon.
Palaging may cliffhanger ang bawat episode ng Ngayon At Kailanman kaya naman hindi na ito binibitiwan ng manonood dahilan para lagi itong manalo sa ratings game base na rin sa datos ng Kantar Media.

Samantala, sa panayam ng ABS-CBN kay Julia, natanong ang dalaga kung papayagan ba niyang makabalik sa Bahay ni Kuya si Joshua ngayon nalalapit na uling magsimula ang bagong season ng Pinoy Big Brother.

Nauna nang sinabi ng binata na game siyang bumalik sa PBB bilang guest housemate.

Unang sagot daw ni Julia, “Why not?” Pero bigla rin itong bumawi ng “No, I’ll miss him. No, he’ll be there for so long. Kasi pag other country, puwede pang mag-Facetime, puwede pang mag video call, pero pag yon, wala zero. So, no.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending