Tony Labrusca dedma sa tsismis ng kabadingan

By Julie Bonifacio November 09,2018
share this

Tony Labrusca dedma sa tsismis ng kabadingan

By Julie Bonifacio November 09,2018
share this

TONY LABRUSCA

Walang takot na sinagot ng hunk actor na si Tony Labrusca ang controversial issue na binabato sa kanya regarding his real gender. Nakausap namin siya sa presscon ng pelikulang “ML” na second top-grosser at umani ng parangal sa nakaraang Cinemalaya Film Festival.

“I think that everybody wants to objectify me and put a label on me. So, I don’t really care and right now, I’m just enjoying my life, and doing my art. So, if anybody has anything to say about me then, good because haters are just fake lovers,” paglilinaw ni Tony.

Obviously, ‘di affected si Tony sa akusasyon na isa siyang gay. Basta nasa showbiz daw siya to do his thing as an artista. Pangarap niyang makabili ng sariling bahay. Ito rin ang dahilan kung bakit wala pa rin siyang girlfriend until now.

“Kasi ‘yun nga, hindi pa po ako nakakabili ng bahay. So, paano naman po kung gagastos ako sa girlfriend ko,” ani Tony sabay ngiti.

Two years ago na raw since nagka-girlfriend siya and that was before he went to the Philippines. But he admitted na nagkaroon siya ng attachement sa isang girl back in Canada where he grew up.

Marami ang nagpapayo kay Tony na huwag munang mag-lovelife at mag-focus lang sa kanyang career lalo pa’t sunud-sunod ang kanyang projects this year alone.

Malaking break and exposure ang nakuha ni Tony sa pelikulang “ML” kahit na sobrang hirap physically nang inabot niya sa mga eksena niya with Eddie Garcia. Nonetheless, this won’t stop him from accepting this kind of films on his future projects.

Klaro pa ni Tony hindi siya choosy sa mga role na inaalok sa kanya. Playing as college students in the movie are Tony, Lianne Venture and Heinz Villaraiz. Ang Solar Pictures ang distributor ng “ML” na palabas na sa mga sinehan ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending