Meralco magtataas ng singil ngayong Nov | Bandera

Meralco magtataas ng singil ngayong Nov

Leifbilly Begas - November 07, 2018 - 01:32 PM

Meralco

TATAAS ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.

Ayon sa Meralco matapos ang dalawang buwan ng pagbaba sa kanilang singil, tataas ang presyo ng kuryente ngayong buwan ng P0.25 kada kiloWatt hour.

Mula sa P9.9766 kada kWh ang singil sa kuryente ay tataas sa P10.0901/kWh kaya ang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay may dagdag na P23 sa kanilang electricity bill.

Tumaas umano ang singil ng P0.1135/kWh dahil sa pagmahal ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market at pagtaas ng presyo ng Malampaya gas na sinisingil sa ilalim ng generation charge.

Mula sa P5.1908 kada kWh noong Oktobre, ang generation charge ay umakyat sa P5.2725/kWh o P0.0817/kWh na pagtaas.

Ang transmission charge ay umakyat din ng P0.0021 kada kWh dahil sa pagmahal ng ancillary services charge ng National Grid Corporation of the Philippines.

Ang buwis at iba pang ipinapataw sa kuryente ay tumaas din ng P0.0297/kWh.

Hindi naman nagbago ang distribution charge na sinisingil ng Meralco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending