Baeby Baste nabiktima uli ng dengue, diretso ng ospital pagbaba ng airport

By Jun Nardo November 07,2018
share this

Baeby Baste nabiktima uli ng dengue, diretso ng ospital pagbaba ng airport

By Jun Nardo November 07,2018
share this

ALDEN RICHARDS AT BAEBY BASTE

NADALE ulit ng dengue ang youngest Eat Bulaga Dabarkads na si Baeby Baste.

Gaya ng unang pagkaka-confine last July dahil sa dengue, agad uling dumalaw ang kanyang Kuya Alden Richards sa ospital.

Galing sa Japan ang pamilya ni Baste pero sa halip na dumiretso sa bahay ay sa ospital na sila nagtungo dahil iba na ang kundisyon ng child star.

Isa sa mga unang dumalaw nga sa kanya ay ang Pambansang Bae. Sa post naman sa Instagram ng Nanay Sheila ng bagets (sa Bisaya) sinabi nitong, “Dong be brave. Isipa na lang na idol kayo ka sa lamok, na fan na fan nimo ang lamok, na they are dying to see you and stick with you.

“Isipa na lang na every injection you’ll get better. Get well soon anak. Let’s just offer And trust everything to Him, because no prayer goes unanswered.”

Saad naman ni Baeby Baste sa pagdalaw ni Alden sa kanya, “Thank you bestfriend Kuya @aldenrichards02 sa pagvisit mo sakin today. I love you #DEGUEulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending