Ok lang na ipagtanggol ang sarili mo sa basher lalo’t nasasaktan ka na! – Regine
KAILANGANG turuan ng leksyon ang mga bashers at ipaalam sa kanila na maraming tao ang inaatake ng depresyon dahil sa ginagawa nilang pambabastos at pang-aalipusta sa kapwa.
Ayon sa nag-iisang Asia’s Songbird, wala siyang nakikitang masama sa pagsagot at pagresbak sa mga haters sa social media na walang ginawa kundi ang mangnega ng ibang tao, lalo na ng mga artistang nagtatrabaho lang.
“For me, okay naman na medyo ipagtanggol ‘yung sarili mo, especially kung nasasaktan ka na. Hindi naman pwede na lahat na lang nilulunok mo. Parang hindi porke’t nanahimik ka, they might think na it’s okay na alipustahin ka.
“Okay lang naman na ipagtanggol mo ang sarili mo as long as you know na hindi ka naman nakikipag-away, you’re just trying to correct what they trying to say,” ang pahayag ni Regine nang muli siyang humarap sa ilang miyembro ng entertainment media para sa promo ng kanyang next major concert, ang “Regine At The Movies”.
Hirit pa ng Songbird, “Kapag nakipag-away ka, oo kasi it’s like your going down to their level. But if you’re just saying things just to correct kung ano ‘yung mga sinasabi nila, like I said, I think I needed to voice out naman what I was feeling. I was getting hurt.”
Sabi pa ni Regine, tao lang siya na nasasaktan kapag binabato ng masasakit na salita lalo na kung pati pamilya niya ay idinadamay na.
“No matter how you try to say na hindi ko na lang papansinin, magpapaapekto, pero ‘pag nababasa mo na, nandon lahat, nakakaapekto pa rin e. Hindi ka pa rin makatulog, lalo na kung mali-mali naman ‘yung sinasabi nila, na parang ‘saan galing yun?’ So okay din naman na ipagtanggol mo ang sarili mo, lalo na kung di mo na kaya,” depensa pa ng misis ni Ogie Alcasid.
“Parang naipagtanggol mo ang sarili mo kahit isang beses lang parang, okay na ako. At least na voice out mo na ‘yung nararamdaman mo about whatever it is. Okay ka na doon,” paliwanag pa ni Regine during the presscon na ginanap sa SeiHai restaurant, sa Timog Ave., Quezon City. –EAS
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.