Sharon tinupad ang matagal nang pangarap ng Songbird | Bandera

Sharon tinupad ang matagal nang pangarap ng Songbird

Ervin Santiago |November 06,2018
facebook
share this

Sharon tinupad ang matagal nang pangarap ng Songbird

Ervin Santiago - November 06, 2018 - 12:15 AM

SAMANTALA, natupad na rin ang matagal nang pangarap ni Regine na makasama sa kanyang concert si Megastar Sharon Cuneta. Si Mega ang isa sa magiging special guest ng Songbird sa kanyang three-night concert na “Regine At The Movies” na gaganapin sa New Frontier Theater (dating KIA Theater).
Si Sharon ang makakasama ni Regine sa Nov. 24 habang si Piolo Pascual ang guest niya sa Nov. 17 at ang King of Hearts na si Daniel Padilla naman sa Nov. 25.
Ayon kay Regine, matagal nang umoo si Piolo at recently lang nag-confirm sina Sharon at Daniel. Ibinalita ng Songbird na na-touch nga raw siya kay Mega dahil kahit may concert siya sa Hongkong sa Nov. 25 ay pumayag pa rin itong umapir sa kanyang show.
“Ang sweet nga, e! Alam n’yo naman sigurong lahat na Sharonian ako talaga. Alam niyo yun, di ba? Super fan talaga ako. And my dream is for her to be a guest in my show. Tapos, ito, hindi naman malaking show ito pero pinagbigyan niya ako talaga.
“E, tapos, meron pala siyang show sa Hongkong, na dapat aalis siya that day. Bale pupunta siya the following day na, which is the day of her show mismo. Tapos, sabi niya sa akin, ‘Dahil lang mahal kita. Aalis ako nang day itself.’ So, I’m really very touched naman na pinagbigyan ako ni Mega. Siyempre, bisi-bisihan din ang lola mo at maraming ganap din,” kuwento pa ni Regine.
Hirit pa ng Songbird, “We’ve been wanting to work together, kaya lang, before it was hard. Ngayon it’s easier na.”Abangan na lang natin kung may magaganap na showdown sa concert ala-Dorina Pineda at Lavinia Arguelles na pinasikat nina Sharon at Cherie Gil sa pelikulang “Bituing Walang Ningning.”
Co-presentors ng “Regine At The Movies” ang PLFT Home, Belo Medical Group, GAOC Dental habang major sponsor naman ang Jollibee with minor sponsors 81 Seihaim Jkas Catering at Tyu Ramen. For tickets, call lang kayo sa Ticketnet, 911-5555 o mag-log on sa Ticketnet.com. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending