Sey mo Sunshine...Cesar may 3 anak na sa bagong girlfriend | Bandera

Sey mo Sunshine…Cesar may 3 anak na sa bagong girlfriend

Julie Bonifacio |November 06,2018
facebook
share this

Sey mo Sunshine…Cesar may 3 anak na sa bagong girlfriend

Julie Bonifacio - November 06, 2018 - 12:15 AM

MAY pa-video challenge ang ilang netizens sa viral video ni Cesar Montano kung saan may babaeng nakahubad sa kanyang likuran habang nagbibigay ng mensahe. Nagbigay na rin ng official statement si Cesar tungkol sa insidente.
Ayon kay Cesar, libu-libo raw ang nagre-request sa kanya ng video birthday greetings ngayon. Pero pabiro niyang sinasabi na hindi raw niya mapagbibigyan ang mga nagre-request dahil baka mas mag-focus daw sa background niya kesa sa kanya.
Bukod sa video greeting ni Cesar, nag-viral din sa social media ang paglabas ng picture niya with a woman na sinasabing bagong partner ni Cesar. ang pangalan daw nu’ng babae ay Socorro “Kath” Angeles.
Kuha ang picture na ‘yun sa birthday party ng sinasabing anak diumano ni Cesar doon sa babae. At ang tsika pa, pangatlong anak na raw ni Cesar sa girl ang batang nag-celebrate ng birthday.
If true, mukhang matagal nang karelasyon ni Cesar si Kath. Ano kayang mase-say ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz na very happy na rin ngayon kay Macky Mathay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending