Van sumalpok sa trak: 2 patay, 11 sugatan | Bandera

Van sumalpok sa trak: 2 patay, 11 sugatan

John Roson |November 05,2018
facebook
share this

Van sumalpok sa trak: 2 patay, 11 sugatan

John Roson - November 05, 2018 - 05:17 PM

DALAWANG tao ang nasawi at 11 pa ang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang pampasaherong van sa isang nakaparadang trak sa Bago City, Negros Occidental, Lunes ng umaga.

Dead on arrival ang helper ng van at isang pasahero, na kapwa inaalam pa ang pagkakakilanlan, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Dinala sa isang pagamutan sa lungsod ang mga sugatan, na kinabibilangan ng tatlong civilian employee ng pulisya.

Naganap ang insidente alas-5:10, sa bahagi ng National Road na sakop ng Brgy. Calumangan.

Minamaneho ni Benjie Gamarza ang Foton van nang sumalpok ito sa trak na nakaparada sa outer lane, ayon sa ulat.

Nasa kostudiya na ng lokal na pulisya ang driver para sa imbestigasyon.

Sinisilip ang posibilidad na nakatulog ang driver kaya sumalpok ang van sa trak, ayon sa isang ulat sa radyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending