Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa araw na ito matapos mag-simba, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Om.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop at matipid. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, nganga parin! Ang pinakamabuting gawin ay mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Habang pabagu-bago ang panahon may babala ng karamdaman. Sa pag-ibig, ang pagdarasal ng taimtim mamayang gabi bago matulog ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Anoman ang problema wag mabubugnot alalahanin mong masarap paring mabuhay. Sa pinansyal, kapag lagi kang masaya, mas darami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Mapalad ang 7, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat sa Diyos. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi sabihin sa kasuyo, “Salamat Love,” sabay halik sa kanyang labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa pinansyal, sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang relasyon kung pansamantalang lalayo ka muna sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang bueanas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa pinansiyal kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Sa susunod wag ka ng mangutang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang kinakapos, sa isang Aquarius ka mang hiram ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pag-ibig ituloy ang pagiging romantiko at caring upang muling mag init ang relasyon. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon, upang wag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- ‘Wag kang umasa sa iba. Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagsisikap. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste yan, wala kayong paki-alam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Panindigan ang anomang sinabi! Hindi dapat magpabago-bago ng isip upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako – mag-date daw kayong dalawa. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Hindi dapat sarilinin ang mga problema. Kailangan ibahagi mo ito sa iba. Sabi nga,“Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow.” Ganon ang gawin mo makipagkuwentuhan lagi sa mga matatalik na kaibigan. Mapalad ang 1, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Kahit nagpatung-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.